Umapela si Senador Ramon "Bong" Revilla Jr. sa Senate Blue Ribbon Committee na bilisan ang imbestigasyon ukol sa umano'y overpriced na medical supplies na binili ng Department of Health (DOH) sa panahon ng pandemya.

Sa isang pahayag, naniniwala si Revilla na hindi plano ng mga senador na pahabain ang imbestigasyon dahil nais nilang singilin ang mga taong sangkot sa umano'y anomalya sa paggamit ng pondo ng gobyerno para sa COVID-19.

“Dapat talaga i-expedite ang proceedings nang masampahan na ng kinauukulang kaso at mapanagot ang mga ididiin ng ebidensiya," ani Revilla.

Ipinaalala rin ni Revilla sa kanyang mga kasamahan ang tungkol sa darating na halalan sa 2022. 

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

“The period for the filing of candidacies will be in less than two weeks. Kung hahaba pa ito, mababahiran na ng pagdududa na baka ginagamit na lang sa pulitika," paliwanag niya.

“Lalo na at maraming senador ang tatakbo for re-election o mas mataas na katungkulan," pagdidiin niya.

Si Revilla ay nananatiling neutral sa isyu, nabanggit din na kinikilala ng Senado ang iba pang "equally important task" katulad ng mapanatili ang pandemic response sa bansa, at pagsusuri at pag-apruba ng 2022 national budget.

Vanne Elaine Terrazola