Isang tubong Negros ang proud na isa sa mga Pilipinong nakarating sa North Pole.
Masayang ibinahagi ng isang tubong Negros ang kaniyang larawan sa social media na isa siya sa mga Pilipinong minsan lang nakakarating sa North Pole.
Ang North Pole ay ang pinakatuktok na parte ng mundo kung saan and Earth axis nito ay nasa 90 degrees latitude.
Si Mobie Jan Kilat Bokingkito ay 19 years nang seaman. Ayon sa kanya, hindi madaling makakarating ang mga barko sa North Pole dahil umano sa kapal ng mga ice kaya’y isang prebelihiyo sa kanya ang makapunta sa nasabing lugar.
Dagdag pa niya, sobrang proud niya dahil sa tagal ng kanyang pagtatrabaho bilang seaman, ngayon lamang siya umano nakapunta at nakaapak sa lugar dahil ang mga ordinaryong barko ay hindi nakakapasok sa lugar.
Hinahalintulad niya sa pagpunta sa buwan ang kanyang pagpunta sa North Pole kaya’t malaking achievements ito para sa kanya.