Sinabi ng batikang broadcaster na si Karen Davila na hindi siya nagpapabayad o humihingi ng 'lagay' sa mga pulitikong naitatampok niya sa kaniyang YouTube channel o nakakapanayam.

Sa Twitter post ni Karen noong Setyembre 15, ibinahagi niya na may nagtanong umano sa kaniya kung magkano ang charge niya sa mga pulitikong pumapayag na mai-feature sa kaniyang kagagawa lamang na vlog.

Larawan mula sa Twitter/Karen Davila

Tsika at Intriga

Carlos Yulo, wala pa raw naibibigay na tulong sa pamilya kahit palihim na abot?

Karen Davila to resort owner: 'Shame on you!' – Manila Bulletin
Larawan mula sa Twitter/Karen Davila

"I have been in the news for 28 years. I have never been paid or accepted money to interview a politician in any of my programs - be it today on my youtube channel. No, I do not get paid to feature or interview politicians. Thank you," ani Karen.

Sa naging panayam ni Ogie Diaz kay Karen noong Hunyo 2021, inamin nitong may mga pulitikong nagtangkang bayaran siya, at 'name the price' daw ang offer, subalit matibay umano ang prinsipyo niya upang hindi kagatin ito.