Sinibak na ng Korte Suprema sa serbisyo ang isang huwes ng Naga City Regional Trial Court sa Camarines Sur kaugnay ng umano'y pagkakadawit sa kasong attempted rape, rape at acts of lasciviousness noong 1994.
Bukod sa pagkakasibak sa serbisyo kay Judge Jaime Contreras, iniutos din ng Supreme Court sa Office of the Court Administrator (OCA) na simulanna ang disbarment proceedings laban kay Contreras.
Kinansela na rin ng Korte Suprema ang retirement benefits ni Contreras at binawalan na ring magtrabaho sa gobyerno.
Nag-ugat ang pagkakasibak nang maghain ng kasong administratibo sa OCA ang umano'y biktima ng sexual molestation at rape noong 2014.
Sa reklamo ng biktima, una umano siyang minolestiya ng suspek noong 1994 kung saan 14 taong gulang pa lamang ito, at mula noon ay aging madalas na umano ang insidente.
Sa kanyang reklamo, dinala rin umano ito ng huwes sa isang motel kung saan naganap ang panggagahasa noong 2004. Kinunan din umano ito ng litrato at nagbabanta na ilalantad niya ito kung isusuplong nito ang insidente.
Noong 2014, nagpasyang magsampa ng kasong administratibo ang biktima upang mabigyan ng hustisya ang sinapit nito sa hukom.
Rey Panaligan