Isang compound sa Sto. Niño Street sa Barangay San Jose, Antipolo City ang isinailalim sa granular lockdown matapos ang walong kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa lugar.

Inanunsyo ng opisina ni Mayor Andrea Bautista Ynares sa kanyang Faceboook page ang pagsasailalim sa 14-day lockdown sa compound na may 48 residente.

Babantayan ang mobility ng mga residente at isasailalim sa Reverse Transcription Polymerase Chain Reaction (RT-PCR) bilang parte ng health protocol, ayon sa city government.

Patuloy naman na isinasagawa ang contact tracing sa walong tinamaan ng COVID-19.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Siniguro rin ng pamahalaang lokal na bibigyan ng food packs ang mga apektadong pamilya.

Samantala, maaaring kontakin ng mga residente ng Antipolo mula 8 a.m. hanggang 5p.m.. ang mga sumusunod:

COVID-19 Hotline numbers: COVID-19 Hotlines- 86970362 / 09165344707 / 09396555558 /09261794899 Contact Tracing Hotline: 09684428439 / 09950095346 / 09060274411

Sa pag-uulat, nasa 92 new COVID-19 cases ang naitala sa lugar, at nasa kabuuang 756 kaso sa ngayon.

Ang lungsod at ang natitirang bahagi ng Rizal ay isinailalim sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) hanggang Setyembre 30.

Nel Andrade