Apat na illegal loggers ang arestado sa Tabuk, Kalinga matapos makumpiska ang ilang troso ng acacia at isang lagare.

Ayon sa Department of Environment and Natural Resources (DENR), kabilang sa mga naaresto sina Vincent Dalanao, Archie Cadalina, Victor Manya-aw, at Fioni Tamaw na nahaharap sa kasong paglabag sa Forestry Reform Code of the Philippines and the Chainsaw Act of 2002.

Ang apat na suspek ay maaaring makulong ng hanggang apat na taon o magbayad ng multang P10,000 sa paglabag ng Forest Reform Code. Maaari rin silang makulong ng hanggang walong taon at pagbayarin ng multang P50, 000 para naman sa paglabag sa Chainsaw Act, ayon sa DENR.

Ayon kay DENR Sec. Roy Cimatu, ang operasyon ay kinasa noong Setyembre 2 sa pakikipagtulungan ng DENR sa ibang anti-logging agencies.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Joseph Pedrajas