Pinayuhan ng Department of Health (DOH) ang mga nakarekober sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) na manatiling mag-ingat at sumunod pa rin sa ipinaiiral na health protocols dahil maaari pa rin silang mahawaan ulit ng sakit.

“Kailangan matandaan ng ating mga kababayan, lalung-lalo na 'yung mga nagkasakit kasi baka akala nila hindi na nila ulit makukuha ang sakit.Kahit po kayo ay nagkasakit na, maaari pa rin po kayong mahawa ulit ng COVID-19. Kaya dapat ipagpapatuloy ang pag-iingat.Kailangang isusuot pa rin ang mask, face shield, manatili pa rin ang physical distance. Kailangan din maya’t-maya namo-monitor pa rin natin ang sarili," payo niDOH spokesperson Maria Rosario Vergeire nang dumalo sa pulong balitaan nitong Sabado.

“Kung hindi pa rin kayonakakapagpabakuna, magpabakuna na. Dahil once you are recovered, you are now eligible to get vaccinated already,” paliwanag ni Vergeire.

Inilabas ni Vergeire ang pahayag matapos umabot sa 2,324,475 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas nitong Biyernes.

National

Amihan, easterlies, nakaaapekto sa bansa – PAGASA