Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 23,134 na karagdagang kaso ng coronavirus disease (COVID-19) ngayong araw, Sabado, Setyembre 18.

(DOH)

Umabot sa 184,088 ang kabuuang aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa, ayon sa DOH.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Sa aktibong kaso, 90 na porsyento ang mild, limang porsyento ang asymptomatic, 0.6 na porsyento ang kritikal, 1.3 na porsyento ang severe, at 2.53 na porsyento ang moderate.

Ayon kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, 12 sa rehiyon ng bansa ang high-risk pa rin sa COVID-19.

Kabilang ang National Capital Region, Cordillera Administrative Region, Calabarzon, Cagayan Valley, Central Luzon, Ilocos region, Caraga, Davao Region, Western Visayas, Soccsksargen, Zamboanga Peninsula, at Northern Mindanao.

Samantala, umabot na sa 2,347,550 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso sa bansa habang umabot naman sa 2,126,879 ang mga gumaling sa sakit matapos makapagtala ng 27,024 na nakarekober sa sakit.

Nakapagtala naman ng 255 na namatay sa sakit sanhi upang umabot sa 36,583 ang kabuuang bilang ng mga namatay sa COVID-19. 

Analou de Vera