Sa programang “Tutok Erwin Tulfo” nitong Biyernes, Setyembre 17, eksklusibong nagpahayag ng kanyang reaksyon si dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kaugnay ng mga batikos na tinanggap ng actress-host na si Toni Gonzaga sa kanyang paglabas sa “Toni Talks.

“Siguro dahil mainit na ang kampanya, papasok tayo sa halalan, kasama na rin ‘yan,” panimulang pahayag ni Marcos.

“Nagulat ako, bakit naman inatake si Toni? Ginagawa niya lang ang trabaho niya as a vlogger. Lahat naman ini-interview niya, wala naman siyang pinipili. Kung tignan mo ang ini-interview niya, iba-Iba," paglalahad ni Marcos.

“Kung nagagalit kayo sa akin, okay lang, pero wala namang kasalanan si Toni,’ dagdag ng dating senador.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Para kay Marcos, mainit din ang pagsuporta ng tao kay Toni sa kabila ng pambabatikos.

Aniya, mula 10,000 likes matapos ilabas ang interview, umabot ng hanggang 200,00 likes ang episode nang ulanin ng batikos ang host.

“Nakita natin na suportado siya [ng tao] Toni sa kanyang ginagawa.”

“Pati yong subscriber niya dumami ng 100,000 dahil nga sa gulo na dinala kay Toni Gonzaga,” dadag ni Marcos.

Kasunod na sinabi ng anak ng diktador na mayroon talagang grupo na ang trabaho ay batikusin ang kanilang pamilya.

“May grupo namang ganyan eh, kahit anong sabihin ng Marcos… babatikusin nila yan, basta Marcos ang nagsabi. Yung iba diyan, yan ang trabaho nila eh,” sabi niya.

Dagdag ni Marcos, mamamahayag ang aktres kaya’t walang dahilan para atakehin ito.”

“Bakit niyo naman inaano [inaatake] si Toni Gonzaga. She’s a vlogger, she’s not a journalist. Although I have to say, she does a better job than some of the journalists.”

Kasunod na pinuri ni Marcos ang aktres.

“Kung titignan mo ang mga interview niya, kasama na ako dun. Ang galing niya talaga makakuha ng impormasyon, ng background, ng kwento tungkol sa tao na hindi nakukuha ng iba. Pati ako naiyak ako sa interview, hindi naman ako iyakin,” dagdag ni Marcos.

“Magaling talaga siya kasi ang sarap kausap eh kaya successful siya,” patuloy na pagpuri nito kay Gonzaga.

Natalakay naman ang “cancel culture” na ani Marcos ay nagmula pa sa Amerika na umabot sa Pilipinas. Ayon sa dating senador, wala sa posisyon ang publiko na diktahan ang magiging content ni Gonzaga sa kanyang channel.

“You cannot dictate to her kung anong content ng channel niya. Channel niya yan—her channel, her rules.”

“They are peddling hate. What is the use of peddling hate? What do we get with peddling hate? Ang habol nga natin ay magkaisa. Magtulungan tayong lahat, nasa gitna tayo ng krisis,” dagdag ni Marcos.

Binahagi naman ni Tulfo ang kalakhang isyu ng pambabatikos ukol sa umano’y pagiging bahagi ni Gonzaga para baguhin ang imahe ng kanyang amang si dating Pangulo at dikatdor Ferdinand Marcos.

Ayon sa Amnesty International, 100,000 indibidwal ang naging biktima ng martial law; sa bilang, 3,000 ang pinaslang, 34,000 ang tinortyur at 70,000 ang inaresto.

“Edi wag niyong panuorin. Hindi ako nagsisinungaling. Wala naman akong sinabing kasinungalingan,” agad na sagot ni Marcos.

Samantala, sinalungat ng isang student publication, ang The Educator, mula sa Central Luzon State University ang ilan sa mga pahayag ni Marcos. Sa nilabas na explainer, "Debunking BBM's Statements on Toni Talks & Other Myths revolving Marcos' Regime," pitong pahayag ng dating senador ang kinontra ng publikasyon.

Inaasahan at handa umano si Marcos sa posibilidad na lalala ang atake at pambabatikos laban sa kanya sa oras na mag-anunsyo siya ng kanyang kandidatura sa Halalan 2022.

Sa ngayon, hindi pa nagdedeklara ng posisyon sa pambansang opisina ang nais gampanan ni Marcos.