Pinabulaanan ni Department of Agriculture (DA) Secretary William Dar ang pangamba ng mga magsasaka kaugnay ng paglipat ng Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC) sa Department of Finance (DOF).
“We assure the Federation of Free Farmers (FFF) that their interest and those of other farmers’ groups will continue and remains the priority of the PCIC Board,” pahayag ng DAR sa isang pahayag nitong Sabado, Setyembre 18.
“The fear of FFF is unfounded as the PCIC, with its transfer to the Department of Finance, as per Executive Order No. 148, will make the operations of the agency more efficient in fulfilling its mandate toward providing insurance protection to subsistence farmers and fisherfolk,” dagdag ni Dar, na magsisilbi ring vice chair sa PCIC Board.
Nagpasya na ilipat ang PCIC sa Finance Department upang “epektibong magampanan nito ang pagbibigay ng insurance protection sa mga magsasaka.”
Ilang grupo ng magsasaka ang bumatikos sa desisyong ito ng DA at sinabing “the priority will shift to fiscal and monetary concerns which may not necessarily be supportive of the needs of farmers and the DA.”
Gagyunpaman, pinabulaan ito ng ahensya at sa halip ay sinabing sa pakikipagtulungan ng DA sa DOF, mas magiging malakas ang representasyon ng mga magsasaka at mangingisda para maihain ang mas malaking suporta para sa agricultural insurance sa pamumuno ni PCIC chair na si Finance Secretary Carlos G. Dominguez.
Dagdag ni Dar, patuloy na masisiguro ang suporta mula sa bagong-tatag na PCIC Board para sa FFF, buong sektor ng agrikultura, fishery at livestock.
“The PCIC will continue to implement the agency’s insurance programs, especially its fully- and partly-subsidized insurance programs for self-financed and credit-assisted farmers and fisherfolk, respectively,” sabi Dar.
Nagbibigay ng insurance protection ang PCIC sa mga magsasaka laban sa maaaring pagkalugi mula sa mga mga sakuna, sakit at peste sa mga pananim.
Beethena Unite