Painit nang painit ang isyu tungkol sa naging interview ni Toni Gonzaga kay dating senador Bongbong Marcos na parte ng 2022 series niya para sa "ToniTalks."
Kaugnay nito, nagsalita na rin maging si Sorsogon Governor Francis "Chiz" Escudero tungkol sa isyu.
Sa kanyang Twitter account, ibinahagi niya ang suporta kay Toni Gonzaga.
"Toni Gonzaga has the freedom & right to interview whomsoever she may want to in her platforms," ani Chiz sa kanyang tweet nitong Biyernes, Setyembre 17
"Whether or not you agree with the interviewee or her is totally up to you because you too have the freedom & right to watch or not to watch or like/dislike…. (peace emoji)"
Mayroon pa itong #mychannelmyright
Kaugnay nito, may mga netizens na tila hindi umano nagustuhan ang sinabi ni Chiz dahil agad nilang binanatan ang tweet ng gobernador.
"Susmaryosep. Anong klaseng konsepto ng kalayaan yan. Ser, naging senador ka pa naman. Alam mo dapat na may kaakibat na responsibilidad ang malayang pananalita. May moral na responsibilidad tayong ‘di magkalat ng kasinungalingan at hindi kalimutan ang kasaysayan. Gising naman hoy!""Hindi po parte ng freedom ng isa tao ang pagbigay ng platform sa anak ng diktador."
"Human rights violater, magnanakaw, historical revisionist diktador ang binibigyan nyo ng platform. Pero sabagay ano nga naman pakialam mo eh hindi naman ikaw ang biktima. Hindi anak mo ang nawala dahil lang nagrally. Hindi kamag anak mo ang narape at hindi rin ikaw ang kinulong."
"Sir, you're missing the point. BBM being her guest is not the issue - it's her contributing to historical revisionism with how they paint his father in a different light. It's an issue of being a RESPONSIBLE content maker. Think again."
"You know very well that this is not entirely an issue of freedom but of responsibility and awareness. We all know how social media can shape public opinion and cleansing a dictator’s and his family’s images is ill motivated."
Matatandaang umere ito noong Setyembre 13, 2021 na mismong kaarawan ng dating senador. As of this writing, umabot na sa 3.9 million views ang naturang vlog.