Pinawalang-sala ng Quezon City Regional Trial Court ang isang babaeng inakusahang opisyal umano ngCommunist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) nitong Biyernes.

Sa desisyon ni QCRTC Branch 219 Judge Janet Abergos Samar, pinawalang-sala nito si Esterlita Espinosa Suaybaguio sa kasong illegal possession of firearm and explosive, matapos mabigo ang prosekusyon na patunayan ang pagkakasala nito.

Inatasan din ng korte ang jail warden ng QC Jail Female Dormitory na palayain na si Suaybaguio, maliban na lamang kung may kinakaharap pa itong ibang kaso.

Matatandaang inaresto ng pulisya si Suaybaguio sa inuupahang condominium unit sa Quezon City, kasama sinaRodrigo Santos Asparago at Armando Calasagsag noong Agosto 26, 2019.

Metro

Mahigit ₱27M shabu mula South Africa, nakumpiska sa NAIA

Sa pahayag ng pulisya, nasamsam kay Suaybaguio ang isang baril at granada.

Nang tumestigo, aminado ang akusado sa pagiging campaign officer ngwomen’s rights group na Gabriela.

Gayunman, sinabi ng pulisya, isa umanong opisyal ngMetro Manila Regional Party Committee (MMRPC) ng CPP-NPA siSuaybaguio.

Ikinatwiran naman ng korte na iniharap ni Suaybaguio ang dokumento na nagsasabing nakarehistro ang baril sa security agency na The Legend Security Agency.

Ipinaliwanag pa ng korte na nabigo rin ang prosekusyon na kontrahin ang pagigingempleyadani Suaybaguio sa nasabing security agency na nagbigay sa kanya ng duty detail order (DDO) para sa kanyang trabaho.

Jeffrey Damicog