WASHINGTON, United States-- Positibo sa COVID-19 ang anim na leon at tatlong tigre sa National Zoo sa Washington. Kasalukuyan namang ginagamot ang mga ito, ayon sa National Zoo nitong Biyernes, Setyembre 17.

“Last weekend, animal keepers observed decreased appetites, coughing, sneezing and lethargy in six African lions, a Sumatran tiger and two tigers from Siberia, who all tested positive for Covid in preliminary tests," pahayag ng zoo.

Ginagamot naman ng anti-inflammatories at anti-nausea medication ang mga may sakit na pusa, binigyan na rin ang antibiotics para mapigilan ang pneumonia.

HIndi nanganganib ang mga taong bumisita sa zoo dahil may distansya ang mga ito sa mga felines, wala namang ibang mga hayop ang nagpapakita ng mga palatandaan ng impeksyon, ayon sa zoo.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Samantala, maglulunsad ng vaccination campaign para sa mga hayop, na madaling kapitan ng COVID-19, ang ilan sa mga US zoos kabilang ang nasa Washington.

Maging ang mga primates sa ilang mga zoos ay dinapuan ng sakit. Ilang mga gorillas din sa zoo ng Atlanta ang positibo sa COVID-19 noong nakaraang linggo.

Para maprotektahan ang mga ito sa COVID, tuturukan ang mga hayop ng isang produkto na gawa ng Zoetis, isang drug company na gumagawa ng bakuna at gamot para sa mga hayop.

Agence-France-Presse