Maraming ulo ang uminit sa ngayo'y deleted screen recording video na in-upload ni Vergie Rondain Benlot sa kanyang Facebook account.

Sa video, maririnig na nagtanong ang isang estudyante sa kanyang prof kung paano kapag wala talagang pambili ng laptop.

"Eh paano po Sir 'pag wala po talagang pambili ng laptop?" ani ng isang estudyante.

"Magdrop! I suggest magdrop, that is! Kung ang problema sa pag-aaral ay walang internet, walang pambili ang tatay, mag drop, 'wag na mag-aral ganun lang," sagot ng propesor.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ang sagot ng professor ang nagpainit ng dugo ng ilan sa mga estudyante at netizens na sinusubok ngayong pandemya.

Dinagsa rin ng maraming negatibong komento ang post at karamihan dito ay nagsabing dapat mag-resign na umano ang propesor.

Sa caption ni Benlot, tinatanong nito kung kasalanan ba ng magulang kung wala talagang budget para sa laptop. Idinagdag pa nito na kung bakit sagot ang pagda-drop agad kapag hindi makapasok sa birtwal na klase ang estudyante.

Aniya, "Kasalanan ba ng magulang namin wala kaming pambili ng laptop? Wag mo nalang po idamay parents namin hindi rin naka pasok sa gmeet idrop agad? Sir mahirap po ang buhay ngayon."

Lumagpas na sa 102k Facebook reactions ang uploaded video.