Kasunod ng paglabas kauna-unahang EP (Extended Play mini album) “Signature” ni Morisette Amon nitong Agosto, kung saan naging sangkot siya sa pagsusulat at paggawa ng kanta, nagbahagi ng personal na kuwento ang singer sa inspirasyon ng single track “Love You Still.”

Sa isang panayam ng isang Youtube reactor na si Philip Garcia kay Morissette, binunyag ng singer ang malalim na inspirasyon sa likod ng kanta.

Musika at Kanta

Kaya bigatin mga guest? Grand BINIverse concert, makakasalpukan ang 2NE1

Panayam ni Phillip Garcia kay Asia's Phoenix Morissette Amon

“It came from a very personal place. And I just really wanted to share my truth also with that song. I mean, my fans already know my situation with my family. It’s not at its best at the moment," paglalahad ng Kapamilya singer.

Matatandaan ang naging “walk out incident” isyu ni Morissette noong Nobyembre 2019 na ikinagalit ng producer na si Jobert Sucardito.

Kasunod nito, naungkat ang umano’y alitan sa pagitan ng singer at ng kanyang ama na si Amay Amon dahil sa pagtutol nito sa noo’y boyfriend pa lang ni Morissette na si Dave Lamar.

“I just wanted to maybe through [a] song, tell them if they have listened to the song that despite the situation that we are in, there is still hope and healing. Of course, I still love them. There’s not a day that I don’t think of them,” dagdag ng singer.

Disyembre 2020 nang inanunsyo ng magkasintahan ang kanilang wedding engagement.

Larawan sa Instagram nang inanunsyo ni Morissette Amon ang engagement nito sa boyfriend na si Dave Lamar

Samantala, paglabas ng “Signature,” at ang mainit na pagtanggap ng fans sa mga tracks, para kay Morissette, mas espesyal sana ang lahat kung naibabahagi niya ang success na ito sa kanyang pamilya.

Kumpirmadong hanggang sa ngayon ay hindi pa rin nareresolba ang problema sa pamilya ng singer subalit nananatiling bukas si Morissette sa posibilidad na matudukanito.

“I also want to respect their place right now. We’re both experiencing that pain still. I am just literally letting it go to God and let Him do all the work, just wait for the perfect time that everything will be okay again,” umaasang tugon ni Morissette.

Hindi naging madali ang proseso sa pagsusulat ng “Love You Still,” ayon kay Morissette at ito ang pinakapersonal sa lahat ng tracks sa Signature.

Nang tanungin ano ang pinakapaboritong parte ni Morisette sa kanta, diretsahang binanggit nito ang mga lirikong “If I came face to face, I would know what to say. But my eyes would give it all away.”

Ang kantang “Love You Still,” ang kauna-unahang single track ng EP na nilabas noong Diyembre 2020.

Kamakailan lang ay naglanding sa No. 1 ang Signature sa isang local music chart.

Tampok sa EP ang mga orihinal na kantang “Mirror,” “Trophy,” “Will You Stay” at ang single tracks “Phoenix” at “Love You Still.”