Handa na ang Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) sa posibleng pag-atake ng mga terorista sa bansa.

Ito ang tiniyak ng Malacañangkasunod ng natanggap na intelligence report ng Japan, kaugnay ng banta pag-atake ng mga terorista sa anim na Southeast Asian countries, kabilang na ang Pilipinas.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, naka-heightened alert na ang bansa kasunod ng Marawi siege.

“Alam niyo naman po talaga naman pong tayo ay nasa heightened alert matapos po yung nangyari sa Marawi. Nagpapasalamat po tayo sa impormasyon,” pahayag ni Roque.

National

Bilang ng mga naputukan pumalo na sa 43, ilang araw bago ang Bagong Taon

Tiniyak din ni Roque na pinaigting ng mga awtoridad ang kanilang kakayahang harapin ang mga terroristic attack.

Hinikayat naman ng Malacañang ang publiko na iulat sa mga kinauukulan ang mga mapapansing kahina-hinalang indibidwal o aktibidad.

“Hinihingi rin natin ang kooperasyon ng ating mga mamamayan. I-report niyo po sa kapulisan kung meron kayong mga kaduda-dudang mga personalidad o di naman kaya mga kaduda-dudang mga bagay-bagay lalo na sa mga pampublikong lugar," ayon pa kay Roque.

Beth Camia