Umaasa siPresidential Spokesperson Harry Roque na alam na ng Commission on Audit (COA) ang gagawin sa panawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte na i-audit ang Philippine Red Cross na pinamumunuan ni Senator Richard Gordon.

Reaksyon ito ni Roque sa patuloy na pagbatikos ni Duterte kay Gordon na nagmamatigas na huwag ipasilip sa COA ang financial report ng PRC.

“We are confident that the COA knows its job and that unfortunately, the PRC is not cognizant of the constitutional provision that all public funds should be subjected to audit by COA,” paliwanag ni Roque nang sumalang sa virtual press briefing nitong Huwebes.

Binanggit ni Roque ang Article 9 ng 1987 Constitution na tinalakay na ni Duterte nitong nakaraang linggo.

National

Bilang ng mga naputukan pumalo na sa 43, ilang araw bago ang Bagong Taon

Igiit ng Pangulo na nakatanggap ng pera ang PRC mula sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) at sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) at ito aniya ang dahilan kung bakit pasok sa auditing ang nabanggit na humanitarian organization.

Nauna nang sinabi ni Gordon na hindi maaaring i-audit ang PRC dahil isa itong non-government organization.

Matatandaang inatasan na ng Pangulo si Solicitor General Jose Calida upang maisagawa ang hakbang laban sa PRC.

Ellson Quismorio