Ikinalugod ng Department of Education (DepEd) ang kinalabasan ng unang linggong pagbubukas ng klase para sa School Year 2021-2022.

Sa briefing ng Laging Handa, sinabi ni Education Secretary Leonor Briones, na nasa higit 27.5 million ang mga nag-enroll ngayong taon.

Mas mataas aniya ito kumpara sa higit 26.2 million enrollees noong nakaraang taon.

Ayon sa kalihim, kahit mas maraming hamon ang hinaharap ng sektor ng edukasyon sa kasalukuyan, natutuwa sila dahil mas maraming mag-aaral pa rin ang nag-enroll.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Nangangahulugan lamang aniya ito na umubra ang mga preparasyong ginawa ng pamahalaan, at nagtitiwala pa rin ang publiko sa DepEd.

Bukod dito, sinasalamin rin aniya nito na nananatiling mahalaga ang edukasyon sa kultura ng mga Pilipino, at nariyan pa rin ang suporta ng mga magulang at komunidad sa mga estudyante.

Beth Camia