Arestado sa Maynila ang isang Chinese national dahil sa pagbebenta umano ng bogus COVID-19 vaccination slots sa halagang P18,000 bawat isa, ayon sa National Bureau of Investigation (NBI) nitong Huwebes, Setyembre 16.

Kinilala ang suspek na si Xiao Shi, na kilala rin bilang Feng Wang Qun.

Ayon sa NBI, naaresto si Shi noong Setyembre 9 sa isang entrapment operation na isinagawa ng mga ahente ng Anti-Fraud Division (NBI-AFD) ng NBI sa isang mall sa Maynila na kung saan nahuli siyang tumatanggap ng P5,000 bilang karagdagang bayad mula sa isa sa mga biktima nito.

Nakuha ng mga ahente ng NBI ang hinihinalang COVID-19 vaccination identification(ID) cards na may mga pangalang Qun F. Wang, CuiyinLin, at Wenjuan Yang.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Sa pag-aresto kay Shi, iimbestigahan siya sa Manila City Prosecutor's Office para sa kasong Estafa sa ilalim ng Article 315, Direct Assault under Article 148, at Disobedience of Lawful Orders of Persons in Authority under Article 151--both under the Revised Penal Code (RPC).

Ayon sa babaeng biktima, nakapagbayad na siya ng P18,000 matapos siyang mapaniwalang makakakuha siya ng vaccination slot para sa kanyang first dose.

“[He] represented himself as a member of the Manila Covid-19 vaccination team and that he could secure a vaccination slot and inoculation for the complainant since he had the right connections with the Officials of Barangay 239 in Binondo, Manila," saad ng biktima.

Matapos siya umanong magbayad, naging mahirap ang pagkuha ng slot at sinasabi ng suspek na maghintay lamang. Kaya naman, nagsagawa siya ng sariling pagbeberipika at napag-alaman niyang hindi empleyado o konektado ang suspek sa Manila Covax Team.

Doon din umano nadiskubre ng biktima na libre ang COVID vaccination slot sa Maynila.

Ayon sa NBI,“a follow up investigation/verification is ongoing to determine Shi’s connection with the Manila Covax Team and with barangay and health officials."

Jeffrey Damicog