Sugatan ang dalawang piloto matapos bumagsak ang sinasakyang eroplano sa Plaridel, Bulacan, nitong Biyernes ng umaga.
Kaagad na isinugod sa La Consolacion General Hospital sinaCapt. Paul Jemuel Gayanes, 26; at Lebon Eisen Sandoval, 26, matapos masugatan sa insidente na naganap sa isang bakanteng lote sa Barangay Agnaya ng nasabing bayan, dakong 8:15 ng umaga.
Inihayag ni CAAP spokesperson Eric Apolonio, kalilipad lang ngtwo-seater, single-engine Cessna 152 light planena may identification number na RPC 4623 sa Runway 35 ng Plaridel Airportnang bigla itong bumulusok.
Naiulat na nasagi sa puno ng acacia ang pakpak ng eroplano na naging dahilan ng insidente.Ang eroplano ay pag-aari ni Jett Javellana ngPrecision Flying School.
“The Civil Aviation Authority of the Philippines is now conducting an investigation and [we] will find out the cause of the incident,” dagdag pa ni Apolonio.
Naiulat na ginagamit ang nasabing airport para sa pagsasanay ng mga estudyanteng naka-enroll sa mga flying school.
Ariel Fernandez