Kamakailan lamang ay mukhang hindi na umano matutuloy ang mga proyektong nakahain kay John Lloyd Cruz sa GMA Kapuso Network.

Ayon sa chika, naliliitan umano ang mahusay na aktor sa talent fee na ino-offer ng Kapuso Network sa kaniya. Si JLC ay nasa ilalim ngayon ng pamamahala ng Crown Artist Management na pagmamay-ari ni Maja Salvador at Rambo Nunez.

John Lloyd Cruz – Manila Bulletin
John Lloyd Cruz (Larawan mula sa Manila Bulletin)

Ogie Diaz, pinayuhan ang BINI na 'wag nang mag-Jabbawockeez ulit

Napabalitang magkakaroon ng sitcom si JLC kasama sina Willie Revillame at Andrea Torres subalit wala pang linaw kung tuloy na tuloy na ito.

Samantala, sa naging panayam ng Kapamilya news anchor-journalist na si Karen Davila kay JLC, si Karen mismo ang nagsabi na nasa GMA na talaga ang aktor.

Naunahan pa siya ng dating Kapamilya actress na si Bea Alonzo na kaniyang perennial on-screen partner, sa pag-ober da bakod sa Kapuso Network, noong Hulyo 1, 2021.

Ngunit nitong Setyembre 15, ayon sa ispluk ni Cristy Fermin sa kaniyang radio program, mukhang nakapag-usap na raw ang GMA management at kampo ni JLC at nagkaayos na sa isyu ng talent fee.

May mga nagpayo umanong malalapit na kaibigan kay Lloydie na maging praktikal at tanggapin na lamang ang proyekto, lalo't marami sa mga artista ngayon ang walang trabaho.

John Lloyd Cruz – Manila Bulletin
John Lloyd Cruz at Annette Gozon Valdes (Larawan mula sa Manila Bulletin)

Hindi naman klaro kung exclusive contract ba ito gaya kay Bea o per project lamang.