Hindi na gaganapin sa Intramuros, Manila ang paghahain ng certificates of candidacy (COCs) para sa mga national candidates, ayon sa Commission on Elections (Comelec) nitong Miyerkules, Setyembre 15.
Ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez, nagdesisyon ang poll body na huwag ng ganapin ang traditional filing venue sa main office ng Comelec para sa May 2022 polls dahil sa coronavirus disease (COVID-19) pandemic.
“For the filing of COCs, now the thing about the filing of COCs, is that at least on the national level the expectation is that, it’s going to be in Intramuros, it’s not going to be in Intramuros this year. The reason for that is of course the pressure of the pandemic. We have to make sure that the filing of the COCs doesn’t degenerate into a crowded circus as it normally does,” ani Jimenez sa isang webinar.
Ngayon taon, gagawin ang paghahain ng kandidatura sa Sofitel tent sa Pasay City na kayang ma-accommodate ang inaasahang pagdagsa ng mga kandidato.
Aniya, ang mga kandidato sa pagka-presidente, pagka-bise presidente, pagka-senador, at party-list representatives ay pinapayagan na magkaroon ng entourage sa filing ng COCs.
Maaari lamang magsama ng tatlong katao ang mga kakandidato sa pagka-presidente at pagka-bise presidente habang dalawa lamang sa pagka-senador at isa sa party-list representative.
Ang filing ng COCs para sa national at localposition ay nakatakda sa Oktubre 1 hanggang Oktubre 8.
PNA