Inanunsyo nitong Martes, Setyembre 14 ni Philippine Permanent Representative to the United Nations to Geneva Evan Garcia na may pinansiyal na kontribusyon ang bansa sa Flash Appeal ng United Nations Office for the Coordination of Humanitarian Affairs (OCHA) upang tugunan ang agarang humanitarian gaps sa Afghanistan.
Binanggit ni Garcia ang tradisyon at track record ng Pilipinas sa pagtanggap o pagbukas sa pintuan nito para sa mga refugees at asylum seekers.
Nitong nakaraang linggo, tinanggap ng bansa ang mga Afghan refugees, kabilang mga babae at bata upang dito humanap ng kalinga sa bansa.
Nanindigan ang Pilipinas sa kanyang totoo at marangal na pangako sa pagbibigay ng kaaya-ayang humanitarian response at makataong pagtrato sa mga taga-ibang bansa na nangangailangan ng tulong, kabilang na ang mga refugees.
Ang pangako ng Pilipinas ay ginawa sa kasagsagan ng High-level Ministerial Meeting on the Humanitarian Situation in Afghanistan, na pinangunahan ni United Nations Secretary-General António Guterres sa Geneva, Switzerland nitong Setyembre 13 upang manawagan ng international support para sa mga mamamayan ng Afghanistan.
Bella Gamotea