Iniutos ng Navotas City government na pansamantala munang limitahan ang pagtanggap ng mga pasyente sa Navotas City Hospital (NCH) matapos magpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang tatlo sa empleyadonito.

Sa direktibang pamahalaang lungsod, limitado muna ang tatanggaping pasyente ng NCH, lalo na sa mga severe cases, hanggang Setyembre 30 upang bigyang-daan ang pagdi-disinfect sa lugar.

Sa pahayag ng mga opisyal ng lungsod, naka-isolate na ang tatlong nahawaan ng sakit habang isinasagawa ang contact tracing sa nakasalamuha ng mga ito.

Pinayuhan ng NCH ang publiko na huwag munang dalhin sa kanila ang pasyente, lalo kung hindi naman emergency ang sitwasyon.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Sa pinakahuling datos ng Navotas, umabot na sa 1,812 ang active cases ng COVID-19 sa lungsod.

Orly Barcala