Muling nalalagay ngayon sa kontrobersiya ang tv host-actress na si Toni Gonzaga, matapos niyang kapanayamin ang dating senador na si Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. sa kaniyang personal vlog na 'ToniTalks' nitong Setyembre 14, 2021. Umaani ngayon ng kaliwa't kanang batikos mula sa bashers ang aktres at sinasabihan pang i-cancelledt.

Basahin: https://balita.net.ph/2021/09/14/toni-gonzaga-inulan-ng-kritisismo-matapos-ang-panayam-kay-bbm/

Ang salitang 'cancelledt' ay makabagong tawag ngayon sa pag-ignore, pag-unfollow, at di-pagsuporta sa isang personalidad dahil sa kaniyang sinabi o ginawa, na naibahagi sa social media. Katumbas ito ng 'boycott.'

Wala pang opisyal na pahayag si Toni Gonzaga hinggil sa isyu, subalit bago pa man pumutok ito, nagbitiw na siya ng kaniyang mga words of wisdom hinggil sa online shaming at bashing, lalo na sa mga kagaya niyang artista. Paano nga ba niya sinasagot ang mga bashers at trolls?

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Bongbong Marcos at Toni Gonzaga (Screenshot mula sa YT/ToniTalks)

Ayon sa panayam sa kaniya ni Edu Manzano sa 'Good Vibes with Edu' sa Metro.Style noong Hulyo 2020, sinabi niya na nasa punto na siya ng buhay na natutuhan na niyang huwag intindihin ang mga bashers at trolls. Kumbaga, dedma na lamang.

“I’m sure Toni in your case, now that you’re married and now that you have a good looking son, I’m sure you deal with it in a different way. Maybe from a more mature perspective. But ikaw, how do you deal with bashers or trolls?" tanong ni Edu.

“I’ve reached a point in my life where I realized that other people’s perception of me is not my responsibility anymore. Na parang pag sinabi sa akin ng isang tao na one plus one equals 10, I’ll just tell that person yes you’re correct, you’re right. Para whatever judgement or assumption they have of me I feel like I don’t have anymore, the need to explain, to prove, to defend and to hide. Because I have nothing to hide, I have nothing to defend, I have nothing to prove, I have nothing to explain to anybody because I know who I am deep inside”, aniya.

Dagdag pa niya, "If you get connected to your core, parang pag secure ka na kung sino ka, hindi ka na maapektuhan sa sasabihin ng ibang tao. Because if there is one thing I wont give to them, I feel like it’s my time. I can give you whatever that makes you happy but I’m not gonna give you anymore my time of day. Because my time is reserved for the people I love, I value and I cherish in life. So parang the power of learning to ignore."

Sa naging sit-down interview naman ng vlogger na si Wil Dasovich kay Toni noong Hulyo 2021, parehong tanong ang sinagot nito. Sa halos dalawang dekada umano ng aktres sa showbiz, sanay na sanay na siya sa bashing. Ilang beses na umano siyang na-cancelledt sa social media.

“I have been cancelled for 20 years of my life. Last year, I have been cancelled for one whole year during the pandemic. People tell me or my sister would tell me, 'You're trending, people are cancelling you.' 'Again? They have been cancelling me for 20 years,’” aniya.

Natutuhan na umano ni Toni na maniwala sa kaniyang self-worth.

“No matter how many people or how many times you were cancelled by other people, what's important is you never cancel yourself. Everybody can be against you, but you never have to be against yourself. Because that's the biggest betrayal."

Narito pa ang ilan sa mga pahayag niya:

“They can all betray you. You can move on from that. Pero when you betray yourself, that's hard to forgive."

“It is not painful for me to be cancelled by society because I don't cancel myself.”

“The most important 'like' that you can give yourself is the 'like' that you have for yourself. Before you check on the likes on Instagram or on Facebook, you need to wake up in the morning, you tell yourself, 'Toni, you like you? You like yourself? You like what you're doing? Yes, I like me.'"

Toni Gonzaga Online (@ToniGonline) | Twitter
Toni Gonzaga (Larawan mula sa Twitter)

“The rest of their likes are just bonus because you wake up every single day, you know you like yourself.”