Rehistrado na ang mahigit 26,000 na menor de edad para sa COVID-19 vaccination sa lungsod ng Maynila.
Nakapagtala ang Maynila ng 26,630 registrants na edad 12 hanggang 17, base sa datos ng Manila Public Information Office (PIO) mula Setyembre 5 hanggang Setyembre 16.
Matatandaang opisyal na inanunsyo ng Lungsod ng Maynila ang vaccine registration noong Setyembre 11.Noreen Jazul