Ibinida ng DepEd-Schools Division Office of Navotas City ang kuhang litrato ng mungkahing disenyo ng mga silid-aralan sa mga paaralan, kung sakaling bumalik na sa face to-face ang mga klase. Makikita naman ito sa Facebook page na 'Buhay Guro.'
"This is the reconfiguration of a classroom at Dagat- Dagatan Elementary School, SDO Navotas City. This has been undertaken in preparation for the eventual limited face- to -face instruction, if already allowed by authorities. Furthermore, this shall be operationalized in the context of blended learning under the modified in- school, off-school approach (MISOSA)," ayon sa Facebook page na 'Buhay Guro.'
Pangalawa ang Pilipinas sa dalawang bansang hindi pa nagsasagawa ng unti-unting pagbalik ng face-to-face classes sa mga paaralan sa buong mundo, kaya naman napag-uusapan na ang posibilidad nito.
Makikita sa ibinahaging litrato na ang mga desks ng mga mag-aaral ay may shield para sa isa't isa.
Hati naman ang opinyon ng netizens sa ideya ng unti-unting pagbabalik sa face-to-face classes:
"Sana po payagan na ? Hirap na po kami sa online class, lalo na po wala po kaming gadgets."
"This is really not a good idea, especially at wala png vaccine for kids! If ako yung parent dito, di ko iri-risk life ng anak ko for the sake of 'gusto ko lang siya matuto sa school.' They can wait!! And as parents, we are all responsible to teach our kids, hindi lang teacher nila. Isipin nyo nalang na bonding moment nyo yun while staying at home!
"Sana po payagan na nila makapasok ang mga bata kahit limitado lang, para mas matuto ang mga bata kaysa sa bahay."
"Iniisip n'yo nasa loob ng classroom lang, how about po yung nasa labas ng classroom mga bata, mababantayan n'yo po ba lahat?"
Samantala, wala pang pinal na direktiba mula sa DepEd kung papayagan na ba talaga ang face-to-face classes ngayong school year.