Nagbahagi ng karanasan ang dating radio DJ, model, at social media influencer na si Karen Bordador ng kanyang karanasan sa loob ng limang taon sa selda. Hayagan niya itong ikinuwento sa bagong vlog ni Wil Dasovich, isang YouTuber, vlogger, at gamer.

Ayon sa Bordador, mayroong tatlong selda sa kulungan: unit one, two, at three. Nasa loob naman ng unit three si Bordador, na kung saan nakapaloob ang mga 'non-drugs' cases at mga propesyonal.

Ibinahagi pa nito na mahirap ang naging buhay sa selda lalo sa pagtulog. Kinakailangan pa niya hakbangan ang mga cellmates niya kung siya ay magbabanyo sa gitna ng gabi.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Larawan: Wil Dasovich/YouTube

"Sometimes, you don't want to go to the bathroom anymore because you have through so many bodies. I used to call it 'cadavers' as a joke... and sometimes you accidentally wake them up so I do a peace sign."

Tanging telebisyon lamang ang ginagawa nilang libangan kaya naman, nagiging malaking bagay ito para sa mga tao sa selda. Bukod dito, nagiging sanhi ng pagtatalo.

Pagbabahagi niya, "Being able to control the remote control is a big deal. It means, you're a leader or you're a trusted person."

Pagdating naman sa kalinisan, sila ang nakatoka sa paglilinis ng kulungan. Ayon sa kanya, walang janitor na tutulong sa paglilinis.

Dagdag pa niya, ang mayora (coordinator) o ang tagapangulo ng isang unit ang magtatakda ng gawain o trabahaho sa loob ng selda.

Hindi na bago sa ang senaryo ng selda pagdating sa pagpili ng mayora.

Ani Bordador, "I've seen dictatorship type of style... It depends also on the characters of people inside... I've seen dictatorship there, like i've seen all kinds of like injustice that type of leadership."

May taglay na tapang, talino, at bait ang mga mayora kaya naman ay nire-respesto ito.

Matatandaang Agosto 13, 2016 nang dakipin si Bordador sa bintang na pag-iingat at pagbebenta ng mga ipinagbabawal na gamot.

Samantala, Hunyo 15, 2021 naman nang makalaya si Bordador.

Larawan: Karen Bordador/YouTube

“June 15, I was acquitted. I was waiting for that day. For the longest time, like every single day, I would pray, pray, pray, pray. When the verdict was announced, I super cried,” kwento ni Bordador sa kanyang vlog.

Dahil sa pagkakakalulong, sa loob ng selda nagdiwang si Bordador ng limang kaarawan, mga pasko, at bagong taon.

Aniya, “Grabe, five years to lose your life, but I wouldn’t say that I really lost it because I made so much progress inside. I learned so many skills, read 300-plus books or probably more, created a library inside the jail."

Ngayong 2021, naniniwala si Bordador na papanig na sa kanya ang taon at siya ay makakaranas ng lubos na kasiyahan.