Bakit kailangan magbayad ng dugo ng mga Pinoy na nagmumula sa Philippine Red Cross (PRC) kung kumukuha naman ito ng blood donations mula sa mga mamamayan?

Iniwan ni Pangulong Duterte ang katanungang ito sa mga manunuod ng kanyang "Talk to the People" episode na inere nitong Huwebes ng umaga, Setyembre 16.

“May I remind the good senator, that alam mo yung corruption mo dyan sa Red Cross, buhay ang nilalaro mo dyan. As a matter ang kapital mo nga, dugo. Hindi ka na nahiya dyan?," ani Duterte kay Gordon

Binigyang-diin ng pangulo na ang blood donation drives o "bloodletting" activities ng PRC ay kasama ang security forces ng gobyerno.

National

Tinapyasang budget ng opisina ni VP Sara, ‘di na dapat baguhin – Sen. Risa

“Mahilig kayong magpa-bloodletting. Isang batalyon na pulis, isang batalyon na army. Tapos ang mga tao dyan kung kailangan, bumili. Ang mahirap dyan o mayaman, gusto ng dugo sa Red Cross, nagbabayad!" pahayag ni Duterte.

“Eh saan naman yung mga dugo na kinuha mo dyan sa mga sundalo pati pulis pati sibilyan?I'm just trying to reconcile…Magbayad ka maski mahirap ka," dagdag pa niya.

Ayon sa Pangulo, ang layunin ng bloodletting ay dapat magbigay ng tulong sa kapwa Pilipino na nangangailangan ng dugo para layuning medikal.

Dagdag pa ng pangulo, hihingi daw siya umano ng pabor sa isang fictional Count Dracula-- na isang bampira-- kung kaya niya.

“Kaya kailangan makausap ko si Dracula. Ipakagat kita [habang] natutulog, kunin lahat ng dugo mo. Marami kang dugo, ganda ng katawan mo. Bilog na bilog. Puro dugo yan," ani Duterte.

Ellson Quismorio