Para sa kaniyang 52nd birthday, may wish ang TV host comedian na si Janno Gibbs, hindi lamang para sa kaniyang sarili, kung hindi para na rin sa buong bayan.

Ibinahagi niya sa kaniyang Instagram post nitong Setyembre 15 ang ilan sa mga apela niya hinggil sa pagpapatupad ng bagong sistema sa COVID-19 quarantine protocols sa Metro Manila. Nagsimula na kasi ang pilot implementation ng 'alert level system' kapalit ng mga nakasanayang community quarantines.

Larawan mula sa IG/Janno Gibbs

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

Sa bagong sistemang ito, nasa alert level 5 ang pinakamahigpit habang nasa alert level 1 naman ang pinakamababa. Ang buong National Capital Region ay nasa alert level 4.

“Sana may data ng (1) ilan infected sa bawat lugar. Para wag madamay sa lockdown ung wala naman infected. (2) Saan at paano nakuha nung infected. Sa party, trabaho, public transport, resto, gym? Para maiwasan. (3) Sana wala na lockdown. Maging super strict na lang sa safety protocols," aniya sa kaniyang caption na pinamagatan niyang 'Sana.'

Bagama't may mga sumang-ayon sa kaniyang mga inilatag na 'sana', marami rin ang kumontra sa kaniya. May isa pang nagsabing netizen na bakit hindi na lamang siya mag-presidente.

Tugon niya, “Parang gusto ko na nga tumakbo for Pres!"

Sa isa pang bukod na IG post, inilatag niya ang iba pa niyang birthday wish.

Larawan mula sa IG/Janno Gibbs

"My bday wishes: Continued good health for my family, more work, Covid to go F@ck itself and for this country, to wake up come Elections, and please support my new song 'Pag-ibig Kong Tunay.' aniya.