Isa sa mga sikat na foreigner vlogger na kinatutuwaan at kinakikiligan na rin si Basel Manadil. Bukod kasi sa content ng vlogs niya na nagtatampok sa kulturang Pilipino, kitang-kita rin kasi ang pagmamalasakit niya sa mga 'tao.' Bonus na rin ang pagkakaroon niya ng good looks.

Kaya naman pinusuan ng mga babes at bekis ang kaniyang simpleng Facebook post kung saan pabiro niyang sinabi na naghahanap siya ng trabaho bilang isang gardener o hardinero.

"Gardener looking for a job, beke naman gusto n'yo po ako hire as sideline, yung mga tanim ko na ginupit galing sa labas-labas namunga na. Tipidity!" ani Basel. Kalakip ng post ang kaniyang litrato kasama ang isang paso ng ornamental na halaman.

Human-Interest

KILALANIN: Sino si Carmelle Collado?

May be an image of 1 person, flower and outdoors
Basel Manadil/Larawan mula sa FB/The Hungry Syrian Wanderer

Narito ang ilan sa mga aliw na komento ng mga netizens:

"Good day po. Pwede po bang ako na lang? Parehas po tayo ng halaman. ANG TANGING HILING KO PO AY MAKITA KAYO. Lubos ko po hinahangaan ang kabutihan at pagtulong n'yo sa kapwa. Pagpalain po kayo."

"Gardening and tending plants is truly therapeutic. It gives a good feeling and peace. Kaya tara na rito Basel, hire na kita hahaha."

"I love your attitude Basel, nature lover (people, animals and plants etc. lover) and most of all God is always in your heart. God bless you more throughout your life. Jowa or husband material talaga. Apply ka na sa buhay ko. Chos!"

"Wowwwww… the plants will surely grow fast and beautiful coz the hardinero is so gwapo, hands on and love plants around his mansion. Sana lang, wala mag thrive na snakes. Hahahaa.. keep going plantito, Basel!"

Kamakailan lamang ay sinorpresa ni Basel ang isang lalaking delivery rider kung saan binilhan niya ito ng bagong motorbike. Bisikleta lamang kasi ang gamit nito sa kaniyang trabaho.

Basahin: https://balita.net.ph/2021/09/09/hungry-syrian-wanderer-basel-manadil-binilhan-ng-motorbike-ang-isang-delivery-rider/

Si Basel ay purong Syrian subalit nakuha niya ang Filipino citizenship sa pamamagitan ng naturalization noong 2019, upang lubusan na niyang mayakap ang pagka-Pilipino.