Kumpiyansa si Pangulong Rodrigo Duterte na maraming health workers ang magtatrabahosa pamahalaan upang malabananang pandemya ng coronavirus disease 2019 matapos ihayag na itatatasna ang suweldo ng mga ito.

Ito ang reaksyon ni Duterte matapos iulat sa kanya niVaccine Czar Carlito Galvez Jr. nitong Miyerkules na maraming ospital ang kulang ng mga tauhan sa gitna nang pagtaas ng bilang ng naoospitaldahil sa virus.

Sa kanyang pre-recorded public address na isinapubliko nitong Huwebes, naisip ng Pangulo na makararamisila ngmare-recruit na health workers kung alam nilang tama ang magiging suweldo ng mga ito.

“Marami niyan, kaya nating mag-recruit ng marami, because the pay is good, actually.Kaya baka we can convince more people to join us in this fight because I think the lure of a good salary is there,” aniya.

National

Amihan, easterlies, nakaaapekto sa bansa – PAGASA

Tiniyak ng Pangulo na pagtutuunan nila ng pansin ang pagtataas ng sahod ng mga ito upang manatili ang mga ito sa pamahalaan sa gitna ng kakapusan ng medical professionals sa bansa.

“We will see what we can do. We will try to look for the money to have more recruits joining this fight against COVID,” dagdag pang Pangulo.

Argyll Geducos