Hinikayat ni Commission on Elections (Comelec) Commissioner Rowena Guanzon ang may 6.5 milyong deactivated voters sa bansa na ipa-reactivate na ang kanilang rehistro upang makabotong muli sa May 2022 national and local elections.

Nabatid na ang mga naturang botante ay na-deactivate matapos na bigong makaboto sa dalawang magkasunod na halalan sa bansa.

Ayon kay Guanzon, maaaring magpa-reactivate ng rehistro ang mga ito, sa pamamagitan ng pagpapadala ng email sa Comelec.

“We have 61 million registered voters, but there are around 6.5 million deactivated voters who can reactivate,” pahayag pa ni Guanzon, sa Laging Handa briefing.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“They can reactivate thru sending an email to the Comelec, it is [on] our website [atcomelec.gov.ph]. The email of Comelec regional offices are there for those who were not able to vote for two consecutive national elections,” dagdag pa ng poll official.

Ang deadline para sa voter registration ay nakatakda nang magtapos sa Setyembre 30, 2021.

Mary Ann Santiago