Pinasinayaan ng Department of Education (DepEd) ang may 339 bagong tayong mga school buildings at nagsaayos pa ng 98 Gabaldon Schoolhouses sa buong bansa ngayong linggo bago ang pagbubukas ng School Year 2021-2022.

Photo courtesy: DepEd/FB

“Although the conduct of face-to-face classes is not yet allowed, these newly-installed classrooms will be instrumental in our mission to address classroom shortage in the long run,” ayon kay Education Secretary Leonor Briones.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Nabatid na nagtayo ang DepEd ng 339 mga bagong buong gusaling pampaaralan na katumbas ng 2,040 na mga silid-aralan at nagsaayos ng 98 Gabaldon School Buildings sa iba't ibang mga rehiyon, kasama ang pitong bagong gawa na mga division offices.

Ipinagawa at pinaganda rin ng DepEd ang limang Division offices sa Rehiyon 6, 8, 10, at 11 bilang parte ng School Building Program ng Kagawaran, sa pakikipagtulungan sa Department of Public Works and Highways (DPWH).

“Sana makita ninyo ang malaking pagbabagong ito sa school houses. Ang iba ay nasa siyudad, ang iba ay nasa malalayong lugar, ang iba ay nasa probinsiya— iisa ang design, resistant to the strong winds, malinis at kaaya-aya,” saad pa ng Kalihim.

Napag-alaman na isinagawa ang sabayang ceremonial turnover ng school buildings sa Kalinga, Apayao, at Baguio, Benguet sa Cordillera Administrative Region, Naval at Biliran sa Biliran, Dipolog, Zamboanga Del Norte, at Ormoc City, Leyte nitong Miyerkules lamang.

Bukod pa rito, inilunsad ng DepEd ang Last Mile Schools Development Program (LMSP) bilang pagkilala sa pangangailangang na bigyang-halaga at pansin ang mga paaralan sa Geographically Isolated, Disadvantaged and Conflict-Affected areas (GIDCA).

“The Last Mile Schools Development Program primarily seeks to bridge the gap in schools that have not reached the allocation criteria for education inputs. These schools also lack electrical connections, school furniture, and learning materials which hamper the optimum learning experience of the students,” ayon naman kay DepEd Undersecretary Alain Del Pascua.

Kaugnay nito, nabatid na isang Ceremonial Groundbreaking Ceremony ang isinagawa sa Sitog National High School, isa sa mga Last Mile Schools na matatagpuan sa Dabiak, Katipunan, Zamboanga Del Norte, kung saan nakatanggap sila ng dalawang yunit ng isang palapag na gusali na mayroong dalawang silid-aralan.

Ang iba pang benepisaryo ng LMSP ay ang Leyte, Surigao Del Sur, Samar, Tabuk, Abra, Biliran, Southern Leyte, Quezon Province, at Kalinga.

“For 2020-2021, different Bureaus, Services, and Schools Divisions are working together in directing various programs, projects, and activities to address the needs of these disadvantaged public schools and learners,” ani Pascua.

Mary Ann Santiago