Umaabot pa sa 16,989 ang bagong kaso ng COVID-19 ang naitala ng Department of Health (DOH) sa Pilipinas nitong Miyerkules.

Sa case bulletin No. 550 ng DOH, umakyat na sa 2,283,011 angnaitatalangtotal COVID-19 cases sa bansa hanggang nitong Setyembre 15, 2021.

Sa naturang kabuuang kaso naman, 7.5% o 170,446 pa ang aktiboo o nagpapagaling pa mula sa karamdaman at maaari pang makahawa.

Kabilang sa mga naturang active cases, ang 85.4% na mild cases, 9.8% na asymptomatic, 2.77% na moderate, 1.4% na severe at 0.7% na critical.

National

First Family bumati sa buong bansa; 'Ang Pasko ay pamilya'

Mayroon rin namang 24,123 bagong pasyente ang gumaling na sa karamdaman, sanhi upang umabot na sa 2,076,823 ang total COVID-19 recoveries sa bansa, o 91.0% ng total cases.

Nadagdagan din ng 214 pang pasyente ang nasawi sa virus.

Sa ngayon, umaabot na sa 35,742 ang COVID-19 death toll sa bansa o 1.57% ng total cases.

Mary Ann Santiago