Simula nang mauso ang online apps at hindi pa man dumarating ang pandemya na naging dahilan ng lockdowns o community quarantine, 'adik na adik' na ang marami sa bentahe at ginhawang dulot ng online shopping. Nauso ang paggamit ng salitang 'budol' na ang ibig sabihin ay nahikayat ng ibang buyers na bilhin ang isang bagay o produktong nakita at na-add to cart sa online shopping.

Iyan mismo ang nangyari sa homeowner na si Dioressa Tan, matapos niyang ibahagi sa Facebook group na 'Home Buddies' ang nakabudol sa kaniyang item sa isang online shopping app: isang cute na portable bathtub!

"No bathtub? No problem! Nabudol na naman ako ng Shoppee!!! In fairness naman kasya ako, luwag pa," caption ni Dioressa sa kaniyang post.

Trending

Mister, gustong makitang nakikipagtalik ang misis niya sa iba

image.png
Larawan mula sa FB/Dioressa Tan

image.png
Larawan mula sa FB/Dioressa Tan

Agad na naging viral ang kaniyang FB post dahil marami ang natuwa sa naturang portable bathtub. Hindi lahat ng bahay ay may bathtub dahil kumakain ito sa espasyo. Kailangan kasi, malaki o malawak nang kaunti ang palikuran.

Ngunit sa portable bathtub na maihahalintulad sa isang maliit na dram, maaari ka nang mag-enjoy sa pagbabad sa tubig na may mga bula o essential oils habang nanonood ng K-Drama, o iba pang mga palabas sa Netflix.

Ang portable bathtub na ito ay nagkakahalagang ₱699 hanggang ₱899 lamang, bukod pa sa shipping fee.