Suportado ng Anti-Red Tape Authority (ARTA) ang Senate Bill (SB) 1764 o ang Use of Digital Payments Act na naglalayong gawing legal ang pangongolekta ng buwis, multa, bayad o ilan pang government transactions online.

Mandato ng SB 1764 ang paggamit ng digital payment sa pangongolekta ng buwis, multa, toll, imposes, revenues at pagbayad ng ilang serbisyo, produkto at iba pa.

Sa ilalim ng panukalang batas, ang pamamahagi ng ayuda ay maaari na ring ilipat sa bank account ng mga benepisyaryo.

Sa pahayag ng ARTA na inakdaan ni Senator Sonny Angara, mas mapapadali ang negosyo at pagpapaabot ng serbisyo ng pamahalaan sa publiko sa Pilipinas.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Tumutugon din ang sistema sa hangarin ng ahensya na mapatakbo nang mahusay ang pamahalaan sa pamamagitan ng teknolohiya.

“With ARTA’s goal to streamline, re-engineer, and automate government systems, we have long been pushing for the use of digital payments,” sabi ng ARTA nitong Miyerkules, Setyembre 15.

“Many Filipinos have enjoyed the safety and convenience of making payments online. We hope that our respected lawmakers share our vision and pass this measure into law,” dagdag nito.

Segunda ng ARTA, maging si Pangulong Duterte ay suportado ang transition ng bansa sa e-governance.

“We believe that digital payment is an important requirement for its realization,”sabi ng ARTA.

Samantala, isa sa mga hinihinging requirements ng ilang proyekto ng ARTA ang digital payment system kagaya ng electronic Business One-Stop Shop (eBOSS) at ang Central Business Portal.

Argyll Cyrus Geducos