Nilagay sa Lookout Bulletin ng Bureau of Immigration (BI) ang dating Presidential Adviser on Economic Affairs Michael Yangat walong iba pa.
Si Yang ay isa sa mga iniimbestigahan ngayon ng Senado ukol sa kontrobersyal na paggasta ng gobyerno sa ilang kagamitang medikal nitong pandemya.
Ang Immigration Lookout Bulletin Order (ILBO) ay inisyu matapos ang request direktiba ng Department of Justice (DOJ) sa kahilingan ni Senate blue ribbon committee, Sen. Richard Gordon.
This matter is of national interest. We have made the proper arrangements, and our immigration officers are now on the lookout for the possible departure of the suspect personalities,” sabi ni BI Commissioner Jaime Morente.
Kasunod ding naglabas ng parehong bulletin ang BI para kay KLloyd Christopher Lao, former chief of the Procurement Service of the Department of Budget and Management (PS-DBM), Overall Deputy Ombudsman Warren Rex Liong, Pharmally Pharmaceutical Corporations Executives Twinkle Dargani, Huang Tzu Yen, Krizle Grace Mago, Justine Garado, Linconn Ong, at Mohit Dargani.
Nag-ugat ang imbestigasyon ng Senado sa Pharmally matapos ang impormasyong naiuwi nito ang P8 bilyong halaga ng kontrata sa gobyerno sa capital lang na P625,000.
Ayon kay Morente, sa ilalim ng ILBO, babantayan ang “whereabouts” ng mga nabanggit na pangalan upang matiyak na hindi ito makapupuslit ng ibang bansa habang patuloy ang imbestigasyon ng Senado.
Jun Ramirez