Para ano pa't tinawag siyang 'Unkabogable' kung hindi makikipagsabayan si Vice Ganda sa pinag-usapang #METGala2021 red carpet na dinaluhan ng iba't ibang sikat na personalidad, na talaga namang pinag-usapan ang mga kakaibang kasuotan.

Sa kaniyang opisyal na Facebook page, ibinahagi ng comedian TV host ang ilan sa mga memes ng ginawa ng kaniyang mga 'little ponies' hinggil sa naturang event, kung saan, inedit ang kaniyang mga unkabogable na larawan at inilagay sa venue.

"MET Gala? More like, MEMEt Gala! Thank you sa edited photos ng Little Ponies!" aniya sa caption. Tinatawag kasi siya ng mga beki na 'Meme' (pinaarteng Mama).

Tsika at Intriga

Julia Montes banas sa tinulungan noon, sinisiraan na siya ngayon

Vice Ganda lectures basher on English grammar – Manila Bulletin
Vice Ganda (Larawan mula sa Manila Bulletin)

viceganda – Manila Bulletin
Vice Ganda (Larawan mula sa Manila Bulletin)

viceganda – Manila Bulletin
Vice Ganda (Larawan mula sa Manila Bulletin)

Cherry Prepaid has simply published Vice Ganda as its latest endorser.  Along with it the corporate introduced its leveled-up model of … | Vice  ganda, New face, Vice
Vice Ganda (Larawan mula sa Manila Bulletin)

Kilala si Vice Ganda sa pagsusuot ng mga pasabog na kasuotan sa mga main events ng noontime show na 'It's Showtime,' gayundin sa community singing game show na 'Everybody, Sing.'