Umani ng reaksyon ang ibinahaging larawan ng batikang broadcaster-journalist na si Korina Sanchez-Roxas sa Instagram, kung saan makikita si Senador Manny Pacquiao na kumakain habang nakakamay at hindi gumagamit ng kubyertos.

Ayon kay PacMan, mas masarap umanong kumain nang nakakamay lamang, na tipikal na gawain naman ng ilang mga Pilipino, lalo na kung walang sabaw ang ulam.

"Ang sabi ni Sen. Manny Pacquiao: Basta. Mas masarap kumain nang nakakamay. PS: Naubos ang dalawang takal ng kanin and fish. Naiwan ang chicken. FYI," ayon sa caption.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Sen. Manny Pacquiao (Larawan mula sa IG/Korina Sanchez)

Sen. Manny Pacquiao (Larawan mula sa IG/Korina Sanchez)

Sari-sari ang naging reaksyon ng netizens hinggil dito. May mga pumuri kay Manny subalit marami ring nagsabing ito ay maagang pag-eendorso at pamumulitika.

"He’s LPs last resort to get back in power without Pacman’s knowledge. A puppet in the making. Ya know what I mean?"

"Pag nagkamay kumain pang-masa na? This is stereotyping. It doesn't matter if you're rich or poor, eating with your hands is a matter of choice and convenience."

"I think the picture means na despite the fact that he is living in luxury he's still a normal Filipino."

"Ang agang pamumulitika at pagpapagamit naman niyan, Koring! Hanep! Ikaw ba naman, magkakamay ka sa bahay ng ibang tao? Sus!"

"This is the same tactic which made Mar Roxas unsuccessful. You are doing it again. Remember history repeats itself."

"Natural naman sa mga Pilipino ang nagkakamay paminsan-minsan kung kumain lalo mga Pilipinong galing sa hirap. Saan po ba galing si Sen. Manny Pacquiao? Hindi ba wala nga silang makain noong araw? Eh bakit isyu sa pulitika agad kapag nagkamay sa pagkain? Totoong nagkamay 'yan, galing sa hirap 'yan! Hindi publicity yan! Yung pera niya dugo at pawis niya. Hindi ninakaw sa bayan… iyan ang katotohanan!"

Samantala, isa sa bashers ang personal na sinagot nang patanong/papilosopo ni Korina nang sabihin nitong 'Bumenta na 'yan.'

Korina Sanchez-Roxas claps back at basher who called her 'bruha' – Manila  Bulletin
Korina Sanchez (Larawan mula sa Manila Bulletin)

"Anong binebenta?" parunggit ni Korina.