Nitong Setyembre 11, 2021, kinoronahan si Susana Sacoto sa ika-71 edisyon ng Miss Ecuador, na ginanap sa Quevedo, Los Ríos.
Si Sacoto man ang nakapag-uwi ng korona ay may ilang kandita naman ang nakuha ang pulso ng netizens. Isa na dito si Victoria Denisse Salcedo, 25, mula sa Guayaquil.
Si Salcedo ang kauna-unahang beauty queen na sumali sa Miss Ecuador kahit na may kapansanan.
Limang taon lamang siya nang makuryente si Salcedo sa kanila bahay. Ang aksidenteng ito ay humantong sa pagkaputol ng kanyang dalawang braso at kaliwang paa.
“I took a metal rod to support me and not fall to the ground, but I did not realize that it was a high tension cable. On the balcony of my house I suffered an electric shock," pagbabahagi ni Salcedo sa "Ecuavisa."
Nagkaroon man ng pisikal na kapansanan, hindi ito naging hadlang upang maputol ang kanyang pangarap.
Nag-aaral si Salcedo sa kursong Journalism at aktibo sa sports tulad ng swimming.
Lumahok siya sa Miss Ecuador 2021, at nagbakasakaling makuha ang inaasam na korona.
“More than complicated, I qualify it as intense,” payahag niya sa "EcuadorTV" noong sumali siya sa kompetisyon.
Inamin rin niya na hindi niya inaasahang ang suporta na makukuha niya mula sa ibang tao.
Bigo man maiuwi ang korona ay hindi huminto si Salcedo sa kanyang mga adbokasiya.
“We can always do it, we just have to take action, believe it and go out and fight for what we want,” ani Salcedo bilang payo sa lahat.
Ngayon, ginagamit niya ang Tiktok upang magbigay ng payo lalo na sa mga kapwa niya kababaihan.
Mayroon nang aabot sa 282k ang followers ni Salcedo sa Tiktok.