Nilinaw ng isang opisyal ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) nitong Miyerkules, Setyembre 15, na ang hinihiling na pondo ng ahensya sa mga mambabatas ay ilalaan sa paglilinis ng mga ilog na konektado sa Manila Bay.

Sa gitna ng kritisismo na nasasayang lang umano ang milyong-pondo ng ahensya kasunod ng pagkaanod ng dolomite sa Manila Bay, nilinaw ni DENR Usec. Jonas Leones na ang hinihiling na karagdagang P1.6 bilyon ay hindi ilalaan sa kontrobersyal na buhangin, bagkus gagamitin itong pondo para sa pagbili ng mga kagamitan sa paglilinis ng ahensya sa higit 200 kontaminadong ilog at estero na konektado sa Manila Bay.

“We’re expanding the beach area. We will be rehabilitating the area near the yacht club. [We also plan] to establish the beach viewing area and fish area. These are the activities in the pipeline,”sabi ni Leones sa isang panayam sa ANC.

Gagamitin din ang hinihiling na pondo para masolusyunan ang mga nakapondong water hyacinths sa Manila Bay na mula pa ng Rizal at Laguna.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

Nitong lunes, binantaan ni House Deputy Speaker Lito Atienza ang hindi pag-aapruba sa panukalang pondo ng DENR nang bigo itong makapagtanong sa briefing.

Ilan sa mga tanong na ihahapag sana ni Atienza kung bakit tadtad pa rin ng fish pens at fish cages ang Laguna de Bay sa kabila ng direktiba ni Pangulong Duterte sa kanyang kauna-unahang Stae of the Nation Address (SONA) na tanggalin ang mga ito, at ang kontrobersyal na paggasta ng ahensya para sa Dolomite beach na wala umanong kinalaman sa paglilinis sa lugar.

“This negates any effort to clean the Bay, and is a clear waste of money,”sabi ng mambabatas.

Joseph Pedrajas