Hinikayat ng Private Hospitals Association of the Philippines, Inc. (PHAPi) ang pamahalaan na palakasin ang contract tracing efforts upang matuldukan ang pagkalat ng coronavirus disease (COVID-19) sa bansa.

Ayon kay PHAPi President Dr. Jose Rene De Grano, ang kasalukuyang contact tracing ay hindi sapat para matukoy ang mga close contacts ng mga nagpositibong indibidwal.

“Presently parang kulang na kulang ang contact tracing natin,” sabi ni De Grano nitong Miyerkules, Setyembre 15.

“Parang instead na ang target nila ay at least 15 or 20 people, parang hanggang six or eight lang ang nako-contact nila,” dagdag niya.

Eleksyon

Comelec, dismayado sa mga politikong maagang nangangampanya

Samantala, hinimok ni De Grano ang publiko na makipagtulungan sa awtoridad.

“Hindi rin kasi nakikipag cooperate minsan ang mga tao. Ilalagay mo doon sa application, ibang number, ibang address, ibang pangalan—paano ka moko-contact or ma-trace nun. Ayun yung nagiging problem natin,” sabi nito.

Dapat mayroong maayos na mekanismo pagdating sa contract tracing ang Pilipinas kagaya ng ibang bansa, pagpupunto ni De Grano.

“If you will note in other countries, ang bilis nila. Halimbawa sa Singapore, nandoon ka sa isang area at may nakita silang positive doon, lahat nung nakatira doon sa area na iyon nino-notify nila. Maganda iyon diba,” sabi ng doctor.

Dagdag ni De Grano, kailangan din na naipatutupad nang maayos ang minimum health standards upang makontrol ang inpeksyon sa bansa.

“Ang importante ay I think diyan ay yung sinasabing contact tracing. And the implementation of the minimum health protocols—the wearing of the mask, bawal dapat ang social gathering.”

Analou de Vera