Suportado ng mga mambabatas sa Kongreso ang kahilingang dagdag P8 bilyon pondo ng Commission on Elections (Comelec) para sa pagbili ng vote-counting machines (VCMs) at dagdag na election workers sa Halalan 2022.

Sa pagpupulong ng Joint Congressional Oversight Committee on the Automated Election System nitong Miyerkules, Setyembre 15, nilahad ni Commissioner Marlon Casquejo ang preparasyon sa pagbili ng dagdag na VCMs upang mabawasan ang bilang ng mga botante sa isang presinto.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Mula sa dating 1,000 botante na nagkukumpulan sa isang voting precint bago ang pandemya, planong bawasan at limitahan hanggang 800 voters per precint lang ang aakomodahin para masigurong nasusunod ang social distancing at iba pang health protocols.

Iniyal nang hiniling Comelec ang dagdag na P1 bilyon pondo para sa karagdagang 10,000 VCMs ngunit P500 milyon lang ang naipagkaloob sa ahensya, ani Casquejo.

Nauna na ring iniulat ni Comelec chairman Sheriff Abas na walang kompanya ang makikilahok sa bidding sa napakamurang P60,050.35 bawat unit.

Dagdag nito, taong 2019 pa nang unang hilingin ng Comelec ang dagdag na alokasyon ngunit hindi ito dininig ng mga mambabatas.

Samantala, nagkakaisa sina Senator Imee Marcos and Caloocan Representative Edgar Ericemarami pa rin ang 800 voters per precinct.

“‘Yong 800 talagang kulang na kulang yan kahit na 12 to 14 hours niyo pa gawin. I doubt it very much if we can accommodate 800 voters per precinct,” sabi ni Erice, pagpupunto sa malaking populasyon ng mga botante sa kanilang lungsod.

Suhestyon ni Erice, ibaba ng hanggang 600 voters ang itatalagang voters bawat presinto.

Kabilang din sa hamon ng Comelec sa ngayon, ayon kay Casquejo, ang dagdag na honoraria para sa mga guro sa dagdag na oras na gugugulin sa eleksyon.

Nagkasundo ang Department of Education (DepEd) at Comelec sa umento ng honoraria ng mga kaguruan ng hanggang P3,000.

“Sa kasaamaang palad, na-slash po ‘yong budget ng ating mga teachers. Sana maibalik, kasi talagang magkakaroon tayo ng extension of voting hours,” sabi ni Casquejo sa mga mambabatas.

“Baka magkaroon tayo ng five-hour extension tapos baka hindi natin mabigyan ng additional honorarium or additional personnel ‘yong ating voting center,” dagdag nito.

Sa estima ng Comelec, kakailanganin nila ng dagdag na P8 bilyong pondo para rito.

“Maybe the committee can help the Comelec para pakiusapan natin ‘yong national government to provide P8 billion. Maliit na halaga ‘yon para sa safety ng voters, para sa maayos na eleksyon,” sabi ng opisyal.

“Sige, sama-sama tayo d’yan. Ilagay natin yong ₱8 billion na kinakailangan ng Comelec,” pag-sang-ayon naman ni Marcos.

Nakatakdang ganapin ang election simulation ng Comelec sa darating na Linggo, Setyembre 19.

Vanne Ellaine Terrazola