Para sa mga pet lovers lalo na sa mga pusa, paano kung bigla ka na lamang mawalan ng uulamin at nais mong malaman kung sino ang 'salarin', lalo na kung marami sila?

Para sa netizen na si Allan Cruz, 39 taong gulang mula sa Sto. Tomas, Batangas, madali lamang ang 'imbestigasyon.' Viral ang kaniyang Facebook post kung saan ibinahagi niya kung paano niya nalaman kung sino sa mga alaga niya ang kumain ng kaniyang ulam sa kaserola.

Nag-iwan kasi ng footprint o bakas ng paa ang salarin, bagay na sinukat niya sa pamamagitan ng ruler. Confirmed kung sino ang may sala!

"So pagbukas ko ng kaserola ubos na ulam. Kinain ng isa sa mga alaga ko. Madami sila kaya di ko alam kung sino. Nag-imbestiga ako. And according to my investigation nasa 2.3cm ang sukat ng evidence. And she's a vegetarian. I therefore conclude conscious sya sa figure niya," aniya.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

May be an image of food
Larawan mula sa FB/Allan Cruz

No photo description available.
Larawan mula sa FB/Allan Cruz

No photo description available.
Larawan mula sa FB/Allan Cruz

Good vibes naman ang hatid nito sa netizens na nagbigay ng kani-kaniyang mga komento.

"Miming be like 'Bakit ako matatakot may anghel ako sa likod.'"

"Yung sa amin nga, naubos yung bagong lutong lengua namin tapos nalaman lang namin salarin noong inamoy namin yung bibig nung pusa namin."

"I don’t think that's enough evidence. May CCTV footage ba? Not definitive paw print. Sorry, hahaha. Joke. Cute naman!"

Ayon sa panayam ng Balita Online kay Allan, walang dapat ipag-alala ang Philippine Animal Welfare Society o PAWS dahil hindi naman niya pinalo o sinaktan ang kaniyang alagang pusang si Lemon, na isang puspin o pusang Pinoy.

No description available.
Larawan mula sa FB/Allan Cruz

"Hinalikan ko yung tiyan niya. Busog na busog kasi," ani Allan.

May panawagan naman siya sa lahat.

"Pag may nakita kayong stray cats lalo na kuting sa kalye ampunin n'yo na. Wala silang kakayahan magsalita para humingi ng tulong so tayo nang mga tao ang magkusa."