Hindi sapat at handa ang panukalang 2022 national budget upang labanan ang pandemya ng coronavirus disease 2019 sa Pilipinas.

Ayon kay Senator Nancy Binay, walang alokasyon para sa contact tracing, na lubhang mahalaga sa COVID-19 response at wala ring mga pondo para sa health workers at tulong-pinansiyalsa mga indibidwal na apektado ng lockdown o quarantine restrictions.

"The 2022 budget is not ready for a war with COVID. Ang daming kulang. COVID-19 is here to stay and is not going away anytime soon so dapat noong kina-craft nila ‘yung budget natin, nandoon na ‘yun, naka-input na COVID-19 is there,” ayon sa senadora.

Sinabi naman ni Iloilo Rep. Janette Garin na bukod sa walang budget para sa contact tracing, wala ring mga pondo para sa libreng COVID-19 testing, na aniya'y mahalaga sa pagtugon laban sa sakit.

National

Amihan, easterlies, nakaaapekto sa bansa – PAGASA

Iginiit ng dating Health Secretary, dapat maging libre ang COVID-19 testing dahil makatutulong ito upang malaman kung sino ang dapat na i-isolate at i-contact-trace.

Nababalam umano ang testing ngayon dahil maraming tao ang nawawalan ng gana dahil sa mataas na presyo nito.

“Karamihan doon [sa 2022 budget] is not responsive to what we need to do in 2022. We need to aggressively test and immediately isolate,” ani Garin.

Nauna rito, tiniyak ng Department of Budget and Management na ang panukalang budget para sa 2022 ay naglalayong masustinihan ang pagsisikap ng gobyerno laban sa COVID-19 pandemic.

Bert de Guzman