Personal na naghain nitong Martes, Setyembre 14 si Senador Manny Pacquiao ng kasong P100-milyong halaga ng libel sa Makati City Prosecutor’s Office laban sa tanyag na religious leader at self-proclaimed "Son of God" na si Pastor Apollo Quiboloy.

Nangyari ito dahil sa pagkakalat umano ni Quiboloy ng maling impormasyon kaugnay sa bilyun-bilyong halaga ng proyekto sa Sarangani, ang pinagmulang probinsya ni Pacquiao.

Ang kasong libel na isinampa ni Pacquiao ay tungkol sa mga paglabag sa Article 355 ng  Revised Penal Code at ng  Section 4(c)(4) ng RA 10175.

Matatandaang kinukuwestiyon ni Quiboloy ang umano'y "overpriced at hindi napakinabangan" na P3.5 bilyong Sarangani Sports Complex na sinasabing ipinagawa ni Pacquiao.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Sa isang panayam binanggit ng senador na nasa P300 milyon hanggang P500 milyon lang ang nasabing sports complex na itinayo noong 1996 at naging mambabatas siya ng Sarangani noong 2010-2016. Si Quiboloy ay kilalang malapit na kaibigan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Matatandaan na unang nagbato ng akusasyon ang Pambansang Kamao sa mga umano'y katiwalian at korupsyon ng administrasyong Duterte.

Kaugnay nito, napabalitang tatakbo sa pagka-pangulo si Pacquiao, ngunit hanggang ngayon ay wala pa itong desisyon.

Bella Gamotea