Mukha lang masaya ang komedyante-TV host na si K Brosas sa 'Lunch Out Loud' at 'Sing Galing' sa TV5, subalit matindi pala ang pinagdaanan niyang problema hinggil sa ipinapatayong bahay.

Ayon sa kaniyang mahabang Facebook post noong Setyembre 11, naloko umano siya ng pinagkatiwalaang house contractor na gagawa sana sa ipinapatayong bahay. Ilang taon na umanong nakatengga lamang ang lugar at tila walang nangyayari. Nakapagbigay na umano siyang mahigit-kumulang ₱7,000,000.

May be an image of 2 people and people standing
K Brosas (Larawan mula sa FB)

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

"Ilang taon na po ang nakakaraan ng may kinontrata ako para gawin ang aking bahay dahil sa kagustuhan kong umiwas sa malaking babayarin sa pag-upa ng townhouse at condominium unit. Isipin n'yo nga naman, sa ilang taong pag-aartista ko, ngayon pa lang ako nagpapagawa ng sariling bahay," unang bahagi ng kaniyang post.

"Nakakalungkot lang na kahit malaking pera na ang nabigay ko at kung tutuusin, tapos ko na ang pagbabayad sa buong halaga, mahigit-kumulang 7 milyon… inabandona pa ng pinagkatiwalaan ko ang nasabing bahay. Maiintidihan n'yo naman siguro ako na pinaghirapan ko yung pera na galing sa dugo, pawis at kakulangan ng tulog."

Wala eh, kailangan nating mangarap. Ilang beses akong nakiusap, umiyak at humingi ng tulong, pero wala pa ring nangyari. Alam lahat ng kaibigan ko kung ilang beses na 'kong nagbreakdown, napadalas uli ang anxiety attacks ko dahil sa sobrang stress… masaya ako lagi sa trabaho ko pero lingid sa kaalaman ng iba pag hindi nakaharap sa camera, grabe ang bigat at depression ko dahil sa pangarap kong bahay na para din sa anak ko…

Kaya naman, ginawa ni K ang nararapat na hakbang: nagsampa na siya ng kaso laban sa naturang contractor, sa tulong ng kaniyang abogado at mga testigo.

"Kaya napilitan akong maghain ng demanda kaninang tanghali sa tulong ng mga abogado ko at testigo ko. Kaya maraming salamat kina Atty. Nico Valderrama, Atty. Ramon Gerard S. Hernandez at Atty. Franco Aldo Cembrano. Naniniwala pa rin ako sa justice system natin. I hope justice will be served at the end of the day."

Sa latest Facebook post niya nitong Setyembre 13, ibinahagi niya ang pagsasalaysay niya hinggil sa nangyari. Aniya, nakahain na ang demanda laban sa mga taong kailangang managot. Naging emosyunal si K sa kaniyang panayam.

K Brosas (Larawan mula sa FB)

"Matagal ako nanahimik... hindi man lang ako nagparinig... at lalo nang di nagpa-Tulfo chos... ngayon kailangan ko nang magsalita at naka-demanda na... salamat sa mga sumusuporta," pagpapasalamat ni K.

May komento naman siya sa mga taong kahit na siya na nga ang naagrabyado, siya pa ang nasasabihan ng masakit, 'mema' o may masabi lang. Sa kabilang banda, ayaw niya umanong mangyari ito sa ibang tao.

"May iilan din na nega, di maiiwasan 'yan lalo na yung mema lang o wala naman alam sa katotohanan... hindi na 'ko muna post ng mga write ups kasi flooding na lol... ayaw ko rin mangyari to sa iba.. kaya laban! Lablablab!"