Nueva Vizcaya-- Natagpuan na nasusunog ang fuel tanker nitong Lunes, Setyembre 12 mga dakong 11:30 ng gabi sa San Lorenzo Ruiz Bridge National Highway Bgy. Baretbet, Bagabag, Nueva Vizcaya.

Photo: Nueva Vizcaya PNP

Kinilala ang dalawang namatay na sina Filmor Timbungan, 39, tank fuel driver, residente ng Magsaysay Naguillian, Isabela, at ang kanyang helper na si Abner Dula, 32, residente ng Reina Merces, Isabela. 

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Sa report mula sa Office of  Col. Ranser Evasco, Nueva Vizcaya, provincial director, sinabing ang fuel tanker ay galing sa Maynila patungong Isabela nang mawalan ng kontrol ang steering wheel ng driver papasok sa tulay, bumangga umano ito a railing at nalaglag mismo sa tulay na may lalim na 10 metro.

Ang tatlo pang sakay ng fuel tanker ay agad dinala sa ospital ng Solano, Nueva Vizcaya dahil nagtamo sila ng sunog sa katawan. 

Ayon sa mga pulis, ang fuel tanker ay pagmamay-ari ng Royal Class Company sa Pulilan, Bulacan.

Photo: Nueva Vizcaya PNP

Wala namang nasaktan na ibang tao sa insidente.

Rumesponde naman ang Bureau of Fire Protection (BFP) ng Bagabag upang apulahin ang nasusunog na fuel tanker dahil sa pagsabog nito.

Liezle Basa Iñigo