Namatay dahil sa COVID-19 si Colette dela Cruz noong Linggo, Setyembre 12, 2021 sa edad na 46.
Ibinahagi ni Tonyo Cruz, columnist ng Manila Bulletin, ang balitang ito sa kanyang Twitter account.
“Na-ICU si Colette at na-intubate last week. Lumaban siya hanggang naging OK para ilipat sa regular hospital room. Kagabi, nagulat kami na pumanaw na siya. Wala na ngayong nanay ang anak niya, at naulila sa mahal na anak ang magulang niya, at malungkot ang maraming tao. Kami din," ani Cruz sa kanyang twitter post.
Ang buhay ni Ruby Nicole, o Colette sa karamihan, ay naging bahagi ng selebrasyon ng mga pagkaing Pinoy.
Noong 1989, nagbukas ng buko pie business ang kanyang ama na si Plaridel Dela Cruz, councilor ng Laguna ngayon, at ipinangalan ito sa kanya.
Dahil sa tagumpay nito, naging isa sa mga kilalang pasalubong brands sa bansa ang Colette's Buko Pie.
Mananatili ang "legacy" ni Colette sa puso ng mga tao. Mula pa noon na nag-aral siya ng food technology sa UP Los Baños at editor ng student publication Perspective to the artisan workers at maging sa mga magsasakang nakatrabaho niya.
Rest in peace, Colette.
John Legaspi